OLONGAPO CITY– Arestado ang isang 56-anyos na lalaki na itinuring ng pulisya na bagong identified High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Old Cabalan, Olongapo City, madaling araw nitong Setyembre 16, 2026.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Tetong,” residente ng Purok 5, Forestry, Crusher, Barangay Old Cabalan.

Ayon sa Olongapo City Police Office City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), isinagawa ang operasyon bandang 12:15 ng madaling araw sa Purok 5, Forestry, na nagresulta sa pagkakaaresto kay “Tetong.”

Nasamsam umano sa suspek ang limang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 73.62 gramo, na may tinatayang standard drug price na ₱500,616.00

Narekober din ang ₱1,000 marked money at limang ₱1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Dinala sa tanggapan ng CPDEU ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending