BOTOLAN, Zambales — Matagumpay na nasagip ang siyam na tripulante ng tugboat SL SUAl 1 matapos itong sumadsad sa baybayin ng Barangay Bangan dito nitong Biyernes, Agosto 14.

Pinangunahan ng Botolan Response Team sa ilalim ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang rescue operation, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) Botolan at mga mangingisdang mula sa Porac.

Ayon kay Botolan MDRRMO Chief Andy Divino, nabutasan ang tugboat na sinasakyan ng siyam na tripulante, dahilan upang isinadsad na lamang nila ang sasakyang-dagat sa mababaw na bahagi ng karagatan.

Ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng tripulanteng nasagip.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang mga residente, lalo na ang mga nakatira sa mga coastal area, na iwasan muna ang mga aktibidad sa dagat at iba pang water activities dahil sa masamang panahon.

Bagaman walang nakataas na gale warning sa bayan, hinikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumubaybay sa mga pinakabagong ulat-panahon para sa kanilang kaligtasan.

Larawan mula sa Botolan MDRRMO

Leave a comment

Trending