Pumanaw na si Dolly, ang tinaguriang “half-faced dog” at animal welfare ambassador ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ayon sa PAWS, nakaligtas si Dolly sa matinding pagmamalupit matapos siyang buhusan ng kumukulong mantika sa mukha.

Sa kabila ng sinapit na karahasan, naging simbolo si Dolly ng pagsusulong ng proteksyon at kapakanan ng mga hayop. Naging bahagi rin siya ng kampanya ng PAWS para sa ALAGA Bill, na naglalayong palakasin ang mga batas at proteksyon laban sa animal cruelty.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PAWS sa pagpanaw ni Dolly at binigyang-pugay ang kanyang naging ambag sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga hayop. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending