Matagumpay na idinaos ang ikalawang taon ng Olongapo Brewers Cup sa Olongapo City Civic Center, na dinaluhan ng humigit-kumulang 200 coffee enthusiasts, home brewers, baristas, at coffee lovers mula sa Olongapo at mga karatig-lugar.
Pinangunahan ng City LEDIPO-BPLO katuwang ang Coffee Community of Olongapo, tampok sa programa ang iba’t ibang brewing competitions na nilahukan ng mga home brewers at baristas mula sa iba’t ibang coffee shops.

Dumayo rin ang mga kalahok mula Bataan at iba pang kalapit na lugar upang makiisa sa kompetisyon at selebrasyon ng coffee culture sa lungsod.
Bukod sa mga paligsahan, tampok din ang mga pop-up cafés at creative merchants, kabilang ang Rusty’s Cafe, Source Coffee, Blum by Jeannie, Memento Photobooth, I-Pilipino, Safe Space Journal Club, at Stay Sane Shirts.


Nagkaroon din ng raffle para sa mga tumangkilik sa merchant pop-up booths na bumili ng hindi bababa sa ₱100, kung saan kabilang sa mga papremyo ang T-shirts, coffee beans, tea at iba pa.
Sa kabila ng masamang panahon, naging matagumpay ang aktibidad at nagsilbing pagkakataon upang pagsama-samahin ang coffee community, maliliit na negosyo, creative entrepreneurs at mga coffee enthusiast sa Olongapo at karatig-lugar. (PR)




Leave a comment