Nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga residente ng Barangay Rosete, San Felipe, Zambales, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) San Felipe, bunsod ng patuloy na mga pag-ulan at masamang panahon ngayong araw ng Linggo, Agosto 9.


Layunin ng naturang hakbang na maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng mga residente. Hinikayat naman ng mga lokal na opisyal ang publiko na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na abiso, at agad na lumikas kapag kinakailangan sa halip na hintaying lumala ang sitwasyon. (Larawan mula sa Barangay Rosete, San Felipe, Zambales)





Leave a comment