Pumasok sa ilang kabahayan sa Barangay Sta. Fe, San Marcelino, Zambales ang baha mula sa ilog dahil sa patuloy na pag-ulan ngayong Linggo, Agosto 9, 2026.
Makikita sa mga larawan ang pagtutulungan ng mga residente sa paglikas at paglilipat ng kanilang mga gamit sa mas mataas at ligtas na lugar upang maiwasan ang posibleng pinsala dulot ng pagtaas ng tubig.



Nanawagan naman si San Marcelino Mayor Elvis R. Soria sa mga residente na manatiling alerto, patuloy na subaybayan ang mga abiso ng mga kinauukulan, at agad na lumikas kung kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya.
Cristelyn Valdez Soler via San Marcelino Public Information Office




Leave a comment