SAN MARCELINO, Zambales — Agad na rumesponde ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Zambales sa pagbaha sa Barangay Sta. Fe, San Marcelino, dulot ng magdamagang malakas na pag-ulan na iniuugnay sa Habagat na pinalakas ng Bagyong Maymay.

Pinangunahan ni PDRRMO Chief Rolex Estella ang pagtugon sa lugar, kabilang ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpasok ng tubig sa bahagi ng dike.

Nakiisa rin ang mga residente sa pagsasagawa ng sandbagging sa gilid ng dike at tulay na nag-uugnay sa kanilang komunidad bilang agarang hakbang upang mabawasan ang epekto ng tubig mula sa kabundukan.

Bilang bahagi ng pagtugon, namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, sa pamumuno ni Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane Jr., ng relief goods sa mga residenteng tumulong sa isinagawang operasyon.

Patuloy ang PDRRMO-Zambales kanilang monitoring sa mga posibleng panganib na dulot ng tag-ulan at mga kalamidad sa lalawigan.

Leave a comment

Trending