NI: MITCH C. SANTOS

OLONGAPO CITY– Arestado ang dalawang suspek matapos makumpiska ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Olongapo City.

Ayon ulat na nakalap mula sa Olongapo City Police Office, isinagawa ang operasyon dakong 11:50 ng gabi noong Agosto 6, 2026, sa kahabaan ng 21st Street, katabi ng Metro Subic Colleges, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City.

Kinilala lamang ang mga suspek sa kanilang mga alyas na “Saldy”, 43, at “Tingan,” 34. Isinagawa ng CPDEU ang anti-illegal drug operation sa ilalim ng Target Intelligence Packet Control No. B-2026-32-PRO3-OCPO-CDEU, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa mga ito ang limang heat-sealed plastic sachet na naglalaman umano ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 25 gramo.

Tinatayang nasa ₱170,000 ang Standard Drug Price ng nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga. Narekober din ng mga awtoridad ang ₱500 buy-bust money. Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang legal na proseso.

Leave a comment

Trending