MAYNILA — Sinuspinde ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at ang klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR), Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, at Zambales simula alas-3:00 ng hapon ngayong Miyerkules, Agosto 5.

Batay sa abiso ng Philippine Communications Office, ipinatupad ang suspensiyon kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Storm Maymay at ng pinalakas na Southwest Monsoon o habagat.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan at unahin ang kaligtasan.

Leave a comment

Trending