ZAMBALES — Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan naging tampok na aktibidad ang Human SAZ Sign Formation na isinagawa ng mga residente, grupong sibiko at ng pamahalaang local alinsabay sa Tree Planting Activity sa San Antonio, Zambales.
Ang naturang aktibidad ay isinakatuparan sa pangunguna ni Congresswoman Zambales Second District Congresswoman Doris Maniquiz katuwang si San Antonio Mayor Arvin Rolly Antipolo, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga organisasyon, kabataan, at mga boluntaryong nakiisa para sa layuning mapangalagaan ang ang kapaligiran.
Ang bawat punong itinanim at ang simbolikong Human SAZ Sign Formation ay sumasalamin anila sa sama-samang pananagutan na pangangalaga sa kalikasan para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Naging lubos ang pasasalamat si Antipolo sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng oras at dedikasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito.
“Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang mas luntian, mas malinis, at mas maunlad na San Antonio, Zambales,” saad pa ng alkalde.
Larawan mula sa San Antonio Public Information Office





Leave a comment