Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes sa mga opisyal at empleyado ng Senado na manatiling nakatuon sa kanilang trabaho sa kabila ng umiigting na tensyong pampulitika, nakaambang impeachment proceedings, at mga kontrobersiyang kinahaharap ng institusyon.
“Let’s be the best version of ourselves in the next few days, in the next few weeks with the impeachment [proceedings]. That’s all I ask of you. From there, let’s evolve together,” wika ni Cayetano sa mga Senate department heads at committee secretaries nitong May 14.
Ayon kay Cayetano, mahirap man ang sitwasyong kinahaharap ng Senado, hindi maaaring mawala ang focus ng institusyon sa gitna ng matinding pressure at pagbusisi ng publiko.
“We live in a world that you have to multitask. Nowadays, everything is instant. So we’re easily confused. It’s crisis after crisis,” wika niya.
“There are things beyond our control, but the preparation is there. We all try to give our best despite the circumstances,” dagdag niya.
Ayon sa bagong halal na Senate President, kailangang magpatuloy ang trabaho ng mga senador at empleyado ng Senado kahit inaasahang malaking bahagi ng atensyon ay mapupunta sa impeachment process sa mga susunod na linggo.
Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan sa loob ng Senado, at sinabing dapat magpatuloy ang trabaho ng institusyon kahit sino pa ang nakaupo sa liderato.
“[Let’s] work on things kahit sino’ng nakaupo sa Senate presidency or sa chairmanship. They will appreciate it,” aniya.
Hinimok din ni Cayetano ang mga opisyal ng Senado na ituon ang pansin sa long-term work ng institusyon sa halip na magpalamon sa gulo sa politika. Aniya, mahalaga ang tiwala sa isa’t isa upang malampasan ang mga hamon na kinahaharap ng Senado.
Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kredibilidad ng Senado sa gitna ng batikos at sigalot sa politika.
“Dignity is very important. That’s why what we’re fighting here is the dignity of the Senate. Kailangan natin mag-multitask. We all try to give our best despite the circumstances,” sabi ni Cayetano.
Hinimok din niya ang mga opisyal ng Senado na manatiling handa at flexible habang humaharap ang institusyon sa tumitinding political at legislative pressures, kasabay ng pagtiyak na patuloy niyang pamumunuan ang Senado sa gitna ng mga hamon.
“While I’m with you, I have to lead. And leadership matters,” saad niya. (PR)


Leave a comment