Ang Pahayagan

๐Ÿ”๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐š๐ง๐ญ๐ซ๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ง ๐ฌ๐š ๐™๐š๐ฆ๐›๐š๐ฅ๐ž๐ฌ

ZAMBALES– Muling pinagtibay ng Headquarters, 69th Infantry (COUGAR) Battalion, 7th Infantry Division, Philippine Army ang kanilang adbokasiya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa komunidad sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng Community Awareness Campaign noong ika-24 ng Abril 2026 sa Sitio Lomibao, Brgy. Buhawen, San Marcelino, Zambales.

Pinangunahan ni LTC Mark Anthony B. Ruelos INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 69IB, ang isinagawang aktibidad katuwang ang ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan, at mga katuwang na stakeholder sa lalawigan ng Zambales na dinaluhan ng mga residente, mga katutubong aeta. Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa mga usaping pangkapayapaan at seguridad, gayundin ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang labanan ang banta ng insurhensiya.

Ipinresenta naman ni CPT Hamilton D. Dawaton (QMS) PA, Acting Civil-Military Operations Officer, ang kabuuang layunin ng aktibidad, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng โ€œwhole-of-nation approachโ€ sa paglutas ng mga suliraning panseguridad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni LTC Ruelos ang kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng mamamayan:

โ€œAng tunay na lakas ng ating komunidad ay nagmumula sa ating pagkakaisa. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat sektor, mas mapapalakas natin ang ating kakayahan na labanan ang anumang banta sa kapayapaan at kaunlaran.โ€ (Teksto at larawan mula sa Cougar Battalion 7ID)

Leave a comment