Ang Pahayagan

RUBEN ENAJES, IPINAKILALA NA ANG MGA POSIBLENG HUMALILI SA PAPEL NI KRISTO SA SUSUNOD NA MALELDO

PAMPANGA– IPINAKILALA na ni Ruben Enaje sa media ang mga posibleng papalit sa kanya bilang gaganap sa papel ni Hesukristo sa mga susunod na pagsasagawa ng Maleldo sa San Fernando, Pampanga.

“Maaring eto na talaga ang huling  pagganap ko bilang Kristo at pagpapako, bunsod tayo ay nagkakaedad na rin at may karamdaman na rin sa totoo lang bago sumapit ang takdang araw ng mahal na araw ay hindi maganda ang ating kondisyon. Buti na lang nagampanan natin ang ating tungkulin ngayun sa tulong na rin ng medikal team,” ani ni Enajes.

Ito ay kanyang ibinahagi sa ginanap na panayam kahapon, kaagad matapos ang taunang pagpapapako sa krus bilang bahagi ng Maleldo 2026.

Ayon kay Enaje, bahagi na ng kanyang paghahanda ang unti-unting pagpasa ng responsibilidad sa mga susunod na deboto na handang ipagpatuloy ang tradisyon. Aniya, mahalagang may mga bagong hahalili upang masiguro ang pagpapatuloy ng makasaysayang penitensiya na dinarayo taon-taon ng libu-libong manonood at deboto.

Dagdag pa niya, ang mga napiling posibleng gumanap bilang Kristo ay dumaan sa masusing pagninilay at may matibay na pananampalataya, dahil hindi lamang ito pisikal na sakripisyo kundi isang malalim na panata.

Matatandaang si Enaje ay ilang dekada nang kilala sa kanyang pagganap bilang Kristo sa Maleldo, dahilan upang maging simbolo siya ng debosyon at sakripisyo sa nasabing tradisyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Enaje na mananatili siyang bahagi ng Maleldo sa iba pang paraan, habang ginagabayan ang mga susunod na hahalili sa kanya.

Kapansin- pansin din na sa kabila ng krisis na kinakaharap partikular sa “krisis ng langis” sa bansa ngayun ay dinagsa parin ang MALELDO 2026 hindi lang ng mga lokal na turista, maging ng mga dayuhang turista. Tinatayang aabot sa 8 hanggang 10,000 libong katao ang dumalo sa nasabing aktibidad ayon sa mga organisador nito. (Ulat at mga larawan para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment