OLONGAPO CITY–Narekober na ang katawan ng 15-anyos na binatilyo na ini-ulat na nawawala noong kasagsagan ng bagyong Egay sa lungsod ng Olongapo city.

Nakita ang wala nang buhay na si Andrei Daquilanea, residente ng Barangay Sta. Rita, sa dalampasigan ng Waterfront Road malapit sa Building 229, Subic Bay Metropolitan Authority administration building.

Halos dalawang araw ang isinagawang search and retrieval operation ng City Disaster Risk and Rescue Management Office bago natagpuan ang bangkay ng binatilyo. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni JUN DUMAGUING)

Leave a Reply

Trending