Malugod na tinanggap ni Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagdating ng bagong hirang na Undersecretary na si Atty. Randy Bacolor Escolango.
Si USec Escolango ay kilalang lingkod bayan na nanungkulan bilang Undersecretary din ng Department of Labor and Employment noong 2022, Deputy Commissioner ng Insurance Commission (2017) at Deputy Administrator of Legal Affairs ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Presidente din siya ng New Era University Alumni Association, Inc. at opisyal na may ranggong Rear Admiral sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at miyembro din ng International Bar Association, at ng Certified Treasury Professional.
Naging kaganapan din sa DHSUD ang oath taking ng 13 newly appointed at promoted na mga empleyado ng ahensiya na pinangunahan ni Sec. Acuzar.
Dito ay hinimok ng kalihim ang mga empleyado na isa-puso ang paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (#4PH) Program.


Leave a comment