Ang Pahayagan

Meeting of the International Women’s Network for Genuine Security ginanap sa Subic Bay Freeport

Matagumpay na nailunsad ng International Women’s Network for Genuine Security at ng BUKLOD Women Empowerment, Inc. ang pagpupulong na ginanap sa Terrace Hotel, Subic Free Port Zone.

Ang tatlong araw na pulong ay dinaluhan ng apatnapung (40) delegado at lider ng iba’t-ibang women’s organization, non-government organizations at mga university professors mula sa bansang United States, Japan, South Korea, kabilang na din ang mula sa mga isla ng Okinawa, Hawaii, Guam at Pilipinas.

Sa temang “Feminist Vision of Genuine Security and Culture of Life”, naging tampok na usapin rito ang may kaugnayan sa karapatan at kagalingan ng mga kababaihan gayundin ng sa mga bata.

Naging bahagi din sa naturang komperensya ang ginanap na public forum sa Columban College Auditorium na dinaluhan ng iba’t-ibang grupong kababihan at civil liberties groups mula sa lungsod ng Olongapo.

Sa mensahe ni Suzuyo Takasato, isang delegado mula sa Okinawa, Japan, inilahad nito ang kanilang pagkilos na nagsimula pa noong 1995 nang ganapin ang UN 4th World Conference on Women sa Beijing, China. Layunin anila na maipakita ang malawakang diskriminasyon at opresyon sa kababaihan kung saan may mga base-militar.

“Their presence and activities are the sources of violence against women and children in their local communities, and they have caused various problems including tremendous noise, environmental destruction and human rights violations,” pagdidiin ni SuZuyo.

At sa kanyang pangwakas na talumpati ay tinuran nito “26 years has passed after our first meeting. We are determined to widen our reach even further globally and to take actions in order to resist militarism towards realization of peace and justice that deny military power.”

Nagkaroon din ng learning tour ang mga delegado sa Subic Bay Freeport na dating base-militar na ngayo’y isa nang ganap na sentro ng turismo, industriya at komersyo. (Ulat para sa Ang Pahayagan ni JUN DUMAGUING)

Leave a comment