MORONG, Bataan — Nagsagawa ng Exercise Pagbubuklod 2026 ang Philippine Navy, katuwang ang iba pang mga ahensya at organisasyon, sa pamamagitan ng Community Health Engagement at medical mission sa Barangay Mabayo, Morong, Bataan Huwebes, Nobyembre 26, 2026.

Sa ilalim ng temang “Civil-Military Operations from the Sea: Bayanihan Mula sa Karagatan,” layunin ng aktibidad na maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad at palakasin ang ugnayan ng mga kawani ng militar at mga mamamayan.

Kabilang sa mga serbisyong inilaan sa medical mission ang konsultasyong medikal, serbisyong dental, pamamahagi ng libreng gamot at health education.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Navy, 2nd Naval Fleet, AFRESCOM, 856th Engineering Construction Battalion (ECB) at iba pang katuwang na organisasyon.

Sa pamamagitan ng Exercise Pagbubuklod 2026, muling ipinakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga institusyon at komunidad sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

“Bayanihan para sa mas malusog na komunidad” ang naging diwa ng naturang medical mission, na naglalayong maghatid ng serbisyong pangkalusugan at malasakit sa mga residente ng Barangay Mabayo. (Ulat ni Mitch C. Santos)

Leave a Reply

Trending