MARIVELES, Bataan — Pinarangalan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang mga kawani na nagpakita ng natatanging pagganap, dedikasyon at katapatan sa serbisyo sa idinaos na taunang Sinag Parangal noong Nob. 19, 2025.
Kabilang sa mga kinilalang empleyado ang mga nanguna sa Individual Performance Commitment and Review (IPCR), Contract of Service (CS) of the Semester, at 2025 Employee of the Year.
Iginawad din ang Loyalty Awards sa mga kawani na umabot na sa lima, 10 at 15 taon ng paglilingkod sa ahensya bilang pagkilala sa kanilang mahabang panahong kontribusyon sa AFAB.
Ayon sa ahensya, layunin ng taunang pagkilala na bigyang-halaga ang pagsisikap at ambag ng mga empleyado sa pagtupad ng mandato nito, gayundin ang pagsusulong ng mahusay, tapat at may pananagutang paglilingkod sa bayan.




Leave a Reply