OLONGAPO CITY– Muling pinagtibay ng ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at lokal na pamahalaan ang kanilang pagtutulungan upang mapanatili ang katatagan ng kapayapaan at seguridad sa Lungsod ng Olongapo.

Isinagawa nitong Lunes, Nobyembre 23, sa FMA Hall, sa Olongapo City Hall, ang Joint Attestation and Declaration of Support Reaffirming the State of Stable Internal Peace and Security (SSIPS) and Implementation of PNP-PCG-LGU-AFP Collaborative Efforts (PLACE) in the City of Olongapo.

Bahagi ng programa ang pagbasa at paglagda sa resolusyon at deklarasyon bilang pagpapahayag ng suporta sa pagpapanatili ng panloob na kapayapaan at seguridad sa lungsod.

Pinangunahan ni DILG Olongapo City Director Dir. Armi V. Bactad ang pagbasa ng deklarasyon, habang si LTC Mark Anthony B. Ruelos ng 69th Infantry Battalion, 7th Infantry Division, Philippine Army ang naglahad ng overview ng programa.

Si Hon. Ermelando N. Anonat, chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Peace and Order and Public Safety, ang nanguna naman sa pagbasa ng resolusyon.

Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sina DILG Region III Regional Director Dir. Araceli A. San Jose, Police Regional Office 3 Director PBGGen Jess B. Mendez, at Northern Luzon Command, AFP Commander LTGen Aristotle D. Gonzalez.

Nagtapos ang programa sa closing remarks ni Olongapo City Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr., kasunod ang photo opportunity at press conference.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon at sama-samang pagkilos ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Olongapo City. (Ulat ni Mitch C. Santos)

Larawan mula kay Atty.Rolen Paulino Jr. fb

Leave a Reply

Trending