SUBIC, Zambales — Nagsagawa ng Emergency First Aid and Basic Life Support Training (EFAT) Program ang Kazama Grameen Microfinance Inc. (KGMI) katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Subic, Zambales noong Nobyembre 6, 2026.
Idinaos ang pagsasanay sa KGMI Session Hall bilang bahagi ng pagsusulong ng kahandaan at pagpapalawak ng kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas at agarang pagtugon sa mga sitwasyong nangangailangan ng medikal na atensiyon.
Layunin ng programa na mabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa Emergency First Aid at Basic Life Support upang magkaroon sila ng kakayahang tumugon sa mga aksidente, biglaang pagkakasakit at iba pang emergency situation.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa MDRRMO Subic, binibigyang-diin ng KGMI ang kahalagahan ng paghahanda, wastong kaalaman at mabilis na pagkilos upang makatulong sa pagliligtas ng buhay, lalo na sa panahon ng sakuna at iba pang hindi inaasahang pangyayari.
Bahagi rin ito ng pagpapalakas ng kultura ng kaligtasan at kahandaan sa loob ng organisasyon at komunidad, kung saan mahalaga ang pagkakaroon ng mga taong may sapat na kaalaman sa paunang lunas at basic life support. (Ulat ni Mitch C. Santos)




Leave a Reply