SAN ANTONIO, Zambales– Namahagi ng iba’t ibang tulong pang-agrikultura ang lokal na pamahalaan katuwang ang Department of Agriculture (DA) upang suportahan ang mga magsasaka, partikular ang mga magtatanim ng mais sa ikalawang cropping season.

Kabilang sa mga ipinamahaging interbensiyon ang mga binhi ng palay at mais, abono, at ₱3,000 na subsidiya mula sa lokal na pamahalaan para sa mga magsasakang magtatanim ng mais. Tinatayang 350 magsasaka ang kabilang sa mga benepisyaryo ng mga programa.

Layunin ng mga tulong na ito na maibsan ang epekto ng mga nakaraang suliranin sa pag-aani na nakaapekto sa produksyon at kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Jenny Babe D. Caabay Municipal Agriculturist ng San Antonio patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa Department of Agriculture sa Region III, Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), at iba pang ahensiya upang makapaghatid ng karagdagang tulong sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Layunin ng mga tulong na ito na maibsan ang epekto ng mga nakaraang suliranin sa pag-aani na nakaapekto sa produksyon at kita ng mga magsasaka.

Patuloy din na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang naglalayong mapalakas ang produksyon sa agrikultura at matulungan ang mga magsasaka na makabangon sa mga hamon na dulot ng pabago-bagong kondisyon ng panahon. (Ulat at larawan mula kay Mitch C. Santos)

Leave a Reply

Trending