BULACAN–Umabot sa 214 fisherfolk mula sa Marilao, Meycauayan, at Obando, Bulacan ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) sa isinagawang payout activity noong Setyembre 4, 2026 sa Meycauayan, Bulacan.

Sa pangunguna ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, layunin ng PAFFP na makapagbigay ng agarang suporta sa mga fisherfolk upang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan at makatulong na mapagaan ang kanilang mga gastusin sa pangingisda.

Malaking tulong ang cash assistance lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, na isa sa mga pangunahing gastusin ng mga mangingisda. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang pasaning pinansyal ng mga fisherfolk sa kanilang araw-araw na operasyon at naiiwan ang mas malaking bahagi ng kanilang kita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ibinahagi naman ng isang benepisyaryo ang kanyang pasasalamat sa BFAR at sa pamahalaan. Ani Rolando Alcantara ng Obando, “Marami na kami natanggap na tulong mula sa BFAR gaya ng lambat at bangka, at ngayon nga ay itong cash assistance. Napakalaking tulong po nito sa kamukha naming maliliit na mangingisda. Kaya nman kami ay nagpapasalamat lalong lalo na sa patuloy na suporta ng BFAR sa bayan ng Obando.”

Patuloy ang BFAR Region 3 sa paghahatid ng mga programang nagbibigay ng konkretong suporta sa mga fisherfolk sa Gitnang Luzon, bilang bahagi ng pagsusulong ng food security, matatag na kabuhayan, at kapakanan ng sektor ng pangisdaan.

📸 BFAR Gitnang Luzon

Leave a comment

Trending