OLONGAPO CITY — Nagpaabot ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng 100 sako ng bigas sa pamahalaang lungsod ng Olongapo bilang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.

Pinangunahan nina BCDA Director Roberto A. Flores, Officer-in-Charge Senior Vice President for Conversion and Development Mark P. Torres, at Vice President for Land and Assets Development Richard Brian M. Cepe ang turnover ng ayuda sa lungsod.

Tinanggap naman ang donasyon para sa pamahalaang lungsod nina Olongapo City Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. at Disaster Risk Reduction Office representative Ernando Santos Malabute.

Ayon sa BCDA, bahagi ng kanilang pagtugon ang pagbibigay ng agarang suporta sa mga komunidad na patuloy na bumabangon mula sa epekto ng mga kalamidad.

Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pagbangon at muling pagtatayo ng mga apektadong komunidad. (BCDA Press Release)

Leave a comment

Trending