OLONGAPO CITY — Isang pottery, paint at clay workshop ang idaraos sa Setyembre 5 mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon sa Tapsi Boss sa Corner Elicano, 21st Street, Olongapo City.

Layunin ng aktibidad na bigyan ang mga art enthusiast at hobbyist ng pagkakataong makapag-unwind, matuto ng pottery at maipamalas ang kanilang pagkamalikhain.

Nagkakahalaga ng ₱1,800 ang workshop, na kinabibilangan ng clay para sa wheel throwing, guided pottery experience, paggamit ng mga materyales at kagamitan, at pagkakataong maiuwi ng mga kalahok ang kanilang natapos na ceramic artwork.

Kasama rin sa registration ang libreng paggamit ng photo receipt camera, giveaways, inumin at isang slice ng pizza.

Tampok din sa aktibidad ang isang art exhibit na magpapakita ng mga likha ng mga lokal na artista, na naglalayong bigyan ang mga kalahok ng pagkakataong suportahan ang mga local creatives.

Inorganisa ang workshop ng I-Pilipino, Blum by Jeannie at Crft PINAY, katuwang ang Tapsi Boss.

Limitado ang slots para sa workshop. Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pagpapadala ng direct message sa official pages ng mga organizer. Tumatanggap din ang mga ito ng down payment para ma-reserve ang slot. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending