OLONGAPO CITY — Nakatakdang ilunsad sa Agosto 16, 2026 ang Art Event 2026 sa Harbour Point Ayala Malls, na magtatampok ng mga likhang-sining, pagtatanghal, workshop at iba pang malikhaing aktibidad para sa mga artista at creative practitioners.
Bahagi ang naturang aktibidad ng serye ng mga programang naglalayong magbigay ng espasyo at oportunidad sa mga artista, performer, workshop facilitator at iba pang indibidwal na kabilang sa creative community.
Batay sa inilabas na timeline ng I-Pilipino, itinakda ang application at intent submission mula Agosto 1 hanggang 7, 2026, habang ang partner at artist confirmation ay isinagawa noong Agosto 8.
Samantala, ang deadline para sa pagsusumite ng work-in-progress (WIP) ay itinakda noong Agosto 10, 2026 bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na event.
Isasagawa ang site ingress at technical setup sa Agosto 15, alas-10 ng gabi, bago ang opisyal na pagbubukas ng art event sa Agosto 16.
Nakatakdang tumakbo ang unang bahagi ng event mula Agosto 16 hanggang 23, 2026, at bukas sa publiko mula 10:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi araw-araw.
May ikalawang iskedyul naman mula Agosto 24 hanggang 31, 2026, na may parehong oras ng operasyon. Ang egress o pagtatanggal at pagliligpit ng mga kagamitan ay nakatakda sa Agosto 23 at Agosto 31, kapwa alas-10 ng gabi.
MGA WORKSHOP, NAKATAKDANG ISAGAWA
Kabilang sa mga workshop at malikhaing aktibidad na nakatakdang bahagi ng event ang mga sumusunod:
Coffee Painting Workshop — Agosto 17, 5:30–7:30 PM
Recycled Paper Workshop — Agosto 18, 5:30–7:30 PM
Junk Journal Workshop — Agosto 19, 5:30–7:30 PM
Acrylic Pen Painting Workshop — Agosto 20, 5:30–7:30 PM
Wire Art Workshop — Agosto 22, 4:30–6:30 PM
Slime Making Workshop — Agosto 23, 4:30–6:30 PM
Bouquet Keychain Workshop — Agosto 24, 5:30–7:30 PM
Sun Catcher Making Workshop — Agosto 25, 5:30–7:30 PM
Bag Painting Workshop — Agosto 26, 5:30–7:30 PM
Tassel Making Workshop — Agosto 27, 5:30–7:30 PM
Organic Soap Workshop — Agosto 28, 5:30–7:30 PM
Screen Printing Workshop — Agosto 29, 4:30–6:30 PM
Doll Making Workshop — Agosto 30, 4:30–6:30 PM
Hinihikayat ang mga artista, partner, performer, workshop facilitator at iba pang kalahok na sundin ang itinakdang mga deadline at makipag-ugnayan sa mga nakatalagang coordinator upang matiyak ang maayos na paghahanda at pagsasagawa ng Art Event 2026. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)




Leave a comment