MITCH C. SANTOS (Ang Pahayagan)
OLONGAPO CITY — Isang buong araw ng sining, kape, at malikhaing aktibidad ang handog ng I-Pilipino, sa pakikipagtulungan sa SM City Olongapo Downtown, sa pamamagitan ng KOFI KWENTO na gaganapin sa Hulyo 25, 2026 sa 3rd Level ng SM City Olongapo Downtown.
Isa sa mga tampok na aktibidad ng programa ang Coffee Painting Experience, na pangungunahan ng Artist3 Art School & Academic Center Olongapo. Sa workshop na ito, gagamit ang mga kalahok ng kape bilang pintura sa halip na tradisyunal na watercolor upang makalikha ng sariling obra habang tinatamasa ang kakaibang karanasan ng pagpipinta gamit ang paboritong inumin.
Bukas ang aktibidad para sa mga baguhan at bihasa sa sining.
Sa halagang ₱199, makatatanggap ang bawat kalahok ng kumpletong Coffee Painting Kit at mga espesyal na freebies mula sa mga partner ng event, kabilang ang Custom Fuzzy Wire Charm mula sa Blum by Jeannie, Exclusive Event Stickers mula sa Horuu, at Collectible Button Pin mula sa Hiraya Pins.
Limitado lamang sa 20 kalahok ang Coffee Painting Experience upang matiyak ang mas komportable at mas interaktibong workshop.
Hinihikayat ng mga organizer ang publiko na magparehistro agad dahil limitado ang mga slot.
Ang KOFI KWENTO, na handog ng I-Pilipino at SM City Olongapo Downtown, ay magtatampok ng iba’t ibang aktibidad sa buong araw na naglalayong pagsamahin ang sining, kultura, at komunidad sa isang natatanging pagdiriwang ng lokal na pagkamalikhain.




Leave a comment