Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo ang ₱50,420,165.72 na bahagi ng kita mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa isinagawang turnover ceremony nitong Martes, Hulyo 21, sa Building 662 Conference Room sa Subic Bay Freeport.  

Personal na tinanggap ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. ang tseke mula kay SBMA Chairman and Administrator Eduardo Jose L. Aliño, bilang bahagi ng revenue share na ipinagkakaloob ng SBMA sa lokal na pamahalaan.  

Ayon sa SBMA, ang naturang pondo ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng ahensya sa Lungsod ng Olongapo upang masuportahan ang iba’t ibang programa at proyektong naglalayong mapabilis ang kaunlaran at mapabuti ang serbisyo para sa mga Olongapeño.  

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta ng SBMA, na inaasahang makatutulong sa pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng benepisyo sa mamamayan.

Ang Olongapo City ay kabilang sa walong (8) LGU na tumanggap ng kanilang revenue share mula sa SBMA kahapon.  (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)

Larawan mula sa Olongapo City Information Office

Leave a comment

Trending