ZAMBALES– Nanguna sa listahan ng mga kongresista sa Central Luzon sina Deputy Speaker Jay Khonghun at Arthur Robes matapos makakuha ng mataas na marka sa “Boses ng Bayan” Governance Assessment ng RPMD (Research and Public Management Development) Foundation Inc.
Base sa inilabas na resulta ng survey, statistically tied sa no. 1 spot sina Khonghun at Robes na nakakuha ng 87.6 percent Index of Governance score habang 87.2 percent naman ang nakuha ni Khonghun patunay na kapwa mataas ang tiwala at kasiyahan ng publiko sa kanilang pamumuno at serbisyo.
Ipinakita sa pag aaral na kabilang si Khonghun sa mga mambabatas na kinikilala dahil sa pagiging aktibo at mabilis tumugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan sa Zambales.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD Foundation Inc., mas pinahahalagahan na ngayon ng mga botante ang tunay na serbisyo, mabilis na aksyon at konkretong resulta kaysa puro politika lamang.
“Mas nagtitiwala ang publiko sa mga lider na nakikita nilang kumikilos at tunay na nagrerepresenta sa kanilang boses,” ayon kay Martinez.
Samantala, pasok naman sa ika-pito puwesto si Atty. Rolen Paulino Jr. sa top-performing city mayors sa rehiyon matapos makakuha ng 77.7 percent trust rating at 78.1 percent performance rating.
Isinagawa ang survey noong Abril 1 hanggang 8, 2026 kung saan 5,000 rehistradong botante mula sa iba’t ibang lalawigan ng Central Luzon ang nakilahok sa survey. (PR)


Leave a comment