Matunog ang pangalan ni Senador Richard “Dick” Juico Gordon sa usapin ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Ilang ulit nang ibinabalita ang posibilidad na siya ang muling mamuno sa ahensya, isang puwestong kanyang biniyayaan ng kasikatan at mabisang pamamahala noong unang bahagi ng 1990s.
Hindi maikakaila ang nagawa ni Gordon: mula sa mga iniwang mga base militar ng Amerikano, ginawa niyang maunlad at buhay na Freeport ang Subic, na naghatid ng maraming kapitalista , maraming trabaho at kita.
Subalit kailangan nating magtanong, kailangan ba siya ng SBMA ngayon??! o kailangan lang siya ng ilang pulitiko na nasa itaas para gamitin sa pansariling interes ng ilan??!
Ang SBMA ay hindi laruan ng mga dating bayani o pulitikong naghahanap ng comeback.
Ito ay isang economic zone na may maraming empleyado, kontratista, at dayuhang mamumuhunan.
Ang pamunuan nito ay nangangailangan ng full-time, dedikadong tagapangasiwa , hindi ng ilang opisyal tulad ng ilang mga nagdaan na ginamit lamang sa pansariling interest para sa ambisyong tumakbo muli sa pulitika.
Yung tipong gagamitin lamang itong showcase para sa pampulitikang interest o di kaya ay magpayaman lamang at himukin ang ilang mga kapitalista at mga negosyante na tumaya para sa mataas na hinahangad nitong pwesto, tapos iiwan ang SBMA na parang isang ordinaryong pambarangay lamang na Economic Zone dahil sa napakinabangan na ito ng pansariling interest!
Kung ibabalik si Gordon sa SBMA habang nangangampanya o tumatakbo sa eleksyon, magiging biktima muli ang ahensya ng politika.
Ang mga proyekto ay magiging publicity stunts. Ang desisyon ay magiging sasakyan ng personal na agenda.
Ang panahon ni Gordon sa SBMA ay kasaysayan na. Purihin natin iyon, pero huwag nating ikulong ang kinabukasan ng Subic sa iisang tao.
Hayaang mamahala ang mga handang magtrabaho nang tahimik at maayos, kung may magaling na lider na sumulpot mula sa hanay ng SBMA o sa kompetisyon, hayaan silang patunayan ang sarili nang walang anino ng isang maingay na politiko tulad ng mga magdaan.
Kung sakaling siya ay muling maibalik bilang SBMA Chairman and Administrator ng ahensya, magandang balita ito para sa pagpapanumbalik ng desiplina, kaayusan at kaunlaran.
Pero sabi ko nga kung ilalagak lamang sya dyan para sa interest ng ilang nasa taas, Ay mas gugustuhin kung Huwag na lang!!! Dahil masasayang lang ang galing at talinong iningatan n’ya sa pangalang “DICK” na naipundar n’ya ng maayos.
Ang SBMA ay nangangailangan ng tagapaglingkod, hindi ng bituin sa entablado.
Huwag nating sayangin ang pagkakataong palakasin ito sa pagbabalik ng isang pangalan, lalo na kung hindi ito ang kailangan ng mga manggagawa at negosyante sa ngayon.


Leave a comment