OLONGAPO CITY– Isa na namang makabuluhang bahagi ng PAGLAYA Eco-Art Festival ang matagumpay na naisagawa sa pamamagitan ng ECO BARAS Workshop Series: Mosaic Tile Art na ginanap noong Hunyo 10, 2026.
Pinagsama-sama ng aktibidad ang mga kalahok, artista, at tagasuporta ng sining upang ipakita ang kahalagahan ng pagkamalikhain, pangangalaga sa kalikasan, at pakikilahok ng komunidad sa pamamagitan ng eco-friendly na sining.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga organizer sa mga indibidwal at organisasyong naging katuwang sa tagumpay ng programa. Kabilang sa mga pinasalamatan ang Artist3 Art School & Academic Center Olongapo, VKY Trading, Mr. Ric Chua, SM City Olongapo Downtown, Department of Trade and Industry (DTI) – Zambales, K5 News Olongapo, Ang Pahayagan, at Roaring Express News Weekly.
Ayon sa mga organizer, malaki ang naging ambag ng mga partner at media organizations sa pagpapalaganap ng adhikain ng PAGLAYA Eco-Art Festival at sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na artista at mamamayan na makilahok sa mga gawaing pangkultura at pangkalikasan.
“Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta. Napakabubuti ninyo po. Pagpalain kayo,” mensahe ng mga organizer matapos ang matagumpay na workshop.

Patuloy namang isusulong ng PAGLAYA Eco-Art Festival ang iba pang mga programa at workshop na naglalayong palakasin ang kamalayan sa sining, kalikasan, at kalayaan ng malikhaing pagpapahayag para sa lahat. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)


Leave a comment