Ang Pahayagan

All-Well MediClinic sa San Felipe, Zambales, Naglunsad ng PhilHealth YAKAP at GAMOT Benefits

NI: MITCH C SANTOS

SAN FELIPE, Zambales — Mas magiging abot-kamay na ngayon ng mga residente ng San Felipe at karatig-lugar ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan matapos ilunsad ng All-Well MediClinic Patient Care Center ang pagpapatupad ng PhilHealth YAKAP at GAMOT program noong Hunyo 3, 2026.

Pinangunahan ang paglulunsad nina PhilHealth Region III Acting Vice President Atty. Ma. Emily P. Roque, Acting Branch Manager Ruby M. Vitug, Dr. Shirley Lorraine R. Fernando, Head of Clinic ng All-Well MediClinic, at Ray Anthony D. Fernando, Head of Operations ng TalaMed Group.

Layunin ng programa na maghatid ng kumpleto at dekalidad na primary care services at wellness programs sa mga residente ng bayan sa pamamagitan ng mga benepisyong hatid ng PhilHealth.

Ipinahayag naman ng mga lokal na opisyal ang kanilang suporta sa inisyatiba, kabilang sina Mayor Reinhard E. Jeresano, na kinatawan ni RJ Sabangan, Vice Mayor Mary Ann R. Quiba, PhilHealth Iba Head Chona A. Visca, Princess Gene Espelita, GAMOT Pharmacy Manager, at Rolan P. Marasigan, Clinic Manager.

Sa isinagawang paglulunsad, kabilang si Ms. Nora, 56 anyos, at iba pang miyembro ng PhilHealth na agad nakinabang sa mga serbisyong inaalok ng YAKAP at GAMOT program tulad ng:

✅ Health screening

✅ Konsultasyon at reseta

✅ Mga laboratory test

✅ Mga gamot na nagkakahalaga ng hanggang ₱20,000 kada miyembro batay sa YAKAP prescription

Ayon kay Dr. Fernando, katuparan ito ng pangarap ng kanilang pamilya na maihatid sa San Felipe ang mga serbisyong pangkalusugan na may internasyonal na pamantayan, katulad ng mga nakikita sa ibang bansa.

Dagdag pa niya, hangad ng All-Well MediClinic na maisulong ang mas malusog na pamayanan sa pamamagitan ng accessible, kumpleto, at dekalidad na primary healthcare para sa bawat pamilyang Zambaleño.

📸 Monifer S. Bansil, Head-Public Affairs Unit, Philhealt

Leave a comment