Ang Pahayagan

Tatlo Pang Biktima Nakuha sa Guho ng Gusali, Patay Umabot na sa 17

ANGELES CITY– Umakyat na sa 17 ang bilang ng kumpirmadong nasawi mula sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago, Angeles City matapos na makuha ng mga responder ang isa pang labi nitong 4:08 a.m. ng Martes, June 2.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and retrieval operations matapos makuha ng mga responder ang dalawa pang bangkay na sinundan ng isa pa kaninang madaling-araw.

Sa ulat ng Unified Command, na-recover ang mga labi ng mga biktima bandang 1:56 a.m. at 2:07 a.m. na sinundan pa ng huli bandang 4:08a.m., dahilan upang umakyat sa 17 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa trahedya. Isang bangkay din ng aso ang narekober sa ilalim ng guho.

Hindi pa rin tumitigil ang operasyon ng mga responder habang sinisikap nilang mahanap at maiahon ang iba pang posibleng biktima ng insidente.(Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

📸 BFP Central Luzon

Leave a comment