Ang Pahayagan

BATANG MANG-AAWIT AT MANLILIKHA, TAMPOK SA ‘REACHING FOR THE STARS’ MUSICAL & ARTS RECITAL

NI: MITCH C. SANTOS

OLONGAPO CITY — Ipinamalas ng mga batang estudyante ang kanilang husay at talento sa musika at sining sa matagumpay na “Reaching for the Stars” Musical & Arts Recital na ginanap sa SM City Olongapo Downtown.

Layunin ng nasabing pagtitipon na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipakita ang kanilang kakayahan sa harap ng publiko, habang hinuhubog ang kanilang kumpiyansa at pagmamahal sa sining.

Nagtanghal din ang inanyayahang banda na Afterembers, kasabay ng pagkilala sa mga tagapagsanay at talumpati ng panauhing tagapagsalita.

Sa bahagi ng Music Recital, umani ng atensyon ang iba’t ibang pagtatanghal. Nagsimula ito sa akustikong pag-awit ng “Hawak Kamay,” sinundan ng pag-awit ni Abrielle Faye Gomez ng “Twinkle Twinkle Little Star.” Ipinamalas naman nina Adam Pius M. Bayla at Candice Calisa A. Owens ang kanilang husay sa pagtugtog ng biyolin.

Sa piano performance, tampok sina Abram Pio M. Bayla, Milae Kim, Azariah Sachi Teves Naguiat, Yuna Queen Nadong, at Maria Callie R. Paulsen. Nagpakita rin ng galing sa gitara sina Matthew Paras, Juliana Marie B. Nadong, Rysse Althea Y. Arcenal, at Janica Figueroa, habang si Noah Medina naman ay tumugtog ng ukulele.

Samantala, ibinida sa Art Recital ang mga likhang sining ng mga batang manlilikha na sina Athena Glynn G. Zulueta, Iris Ciana D. Sanguyo, Adriel Zane S. Gamboa, Saveena Lai Canlas, Eiko Noelle D. Yumul, Yurim R. Kim, Mary Athena Rendor, Jan Quinno Banay-Banay, Maximo Angelo S. Rojo, Kelly Dane B. Ornedo, Jazmine Nicole B. Lim, Liham Conner B. Sarmiento, Dhon Allen Mediaro, at Trizia Marie Kayla A. Roque. Ang kanilang mga obra ay itinampok sa buong lugar, at ang ilan ay nagtanghal habang ipinapakita ang kanilang mga likha, suot ang makukulay na kasuotan at puno ng kumpiyansa sa harap ng mga magulang, guro, at panauhin.

Ayon sa mga tagapag-ayos, pangunahing layunin ng recital na ito na hubugin ang talento ng mga kabataan sa musika at biswal na sining, at mahikayat silang patuloy na paunlarin ang kanilang kakayahan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, napapalakas ang kumpiyansa ng mga bata at napapatibay ang kanilang pangarap na maabot ang kanilang mga mithiin—tunay na hakbang tungo sa “pag-abot sa mga bituin.”

Naging matagumpay at puno ng inspirasyon ang buong aktibidad na nag-iwan ng makabuluhang alaala at pag-asa sa bawat batang lumahok at sumaksi. Naging posible rin ito sa ilang buwang pagsasanay at paggabay ng Artist3 sa mga kabataang may potensyal sa sining ng pag-awit at pagpipinta.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng organisadong partnership ng Artist3 bilang tagahubog ng talento at I-Pilipino bilang tagapagpakilala at tagasuporta ng mga batang artist at musikero.

Leave a comment