Ang Pahayagan

TODA PRESIDENT, PUMANAW NANG ATAKIHIN SA PUSO SA GITNA NG DSWD PAYOUT

NUEVA ECIJA — Nauwi sa kalungkutan ang pamamahagi ng cash aid para sa mga tsuper ng tricycle matapos pumanaw ang isang presidente ng TODA rito habang nakapila para kumuha ng ayuda nitong Biyernes, Abril 24, sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktimang si Orlando Sebastian, 57-anyos at residente ng Barangay Bacayao dito na binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Ayon sa ulat, naghihintay ito ng kanyang cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang bigla na lamang lumugmok sa kinauupuan bunsod ng hinihinalang atake sa puso.

Agad naman siyang tinulungan ng kanyang mga kasamahan ngunit binawian din ng buhay kalaunan.

Dulot ng insidente, muling nabigyang pansin ang kahalagahan ng maayos na sistema sa pamamahagi ng ayuda, partikular para sa mga may edad at may iniindang karamdaman. Bumuhos din ang pakikiramay ng mga kapwa drayber at residente sa pumanaw na si Sebastian. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment