ZAMBALES– Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Day, nagsagawa ng clean-up drive sa lahar area na dinadaanan ng mga turistang papunta sa Mount Pinatubo ang iba’t ibang ahensya at sektor ng komunidad sa munisipalidad ng Botolan.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Doris Ladines na Chairperson ng Environmental Protection Committee, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Botolan, kasama ang kinatawan mula sa iba’t-ibang barangay rito.

Kasama rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard – Botolan Substation at Bureau of Fire Protection.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan sa rutang dinaraanan ng mga bumibisita sa Mt. Pinatubo, isa sa mga kilalang destinasyon sa bayan ng Botolan at sa buong lalawigan ng Zambales gayundin ang mapalakas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
📸 MENRO Botolan, Zambales


Leave a comment