OLONGAPO CITY — Pinalakas pa ng Olongapo City Police Office (OCPO) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang kanilang ugnayan matapos magsagawa ng courtesy visit ang SBMA Intelligence and Investigation Office sa pamunuan ng pulisya noong Abril 17, 2026.
Pinangunahan ni SBMA Department Manager III Rodel Ednalino Del Rosario, kasama sina Dave Duran at Jio Schneider F. Arguielles, ang pagbisita kay PCOL Deonido S. Maniago Jr., Acting City Director ng OCPO.
Layunin ng nasabing pagpupulong na higit pang paigtingin ang koordinasyon at palitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang ahensya, partikular sa usapin ng intelihensiya at pagpapatupad ng batas. Nakatuon ito sa pagpapabuti ng kapayapaan at kaayusan, pati na rin sa seguridad sa loob ng Subic Bay Freeport Zone at mga karatig na komunidad.
Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya upang mas epektibong matugunan ang mga banta sa seguridad at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Ipinakita rin ng nasabing hakbang ang kanilang iisang layunin na magkaroon ng mas maigting na kooperasyon at sama-samang pagkilos para sa mas ligtas na kapaligiran sa rehiyon. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment