ZAMBALES — Naghatid ng tulong siguridad ang 69th Infantry (COUGAR) Battalion ng Philippine Army, para sa GMA Kapuso Foundation upang matiwasay na maparatingan ng ayuda sa daan-daang mangingisda sa lalawigan ng Zambales.
Sa pamumuno ni Lt. Col. Mark Anthony B. Ruelos, commanding officer ng 69IB, at ni 1st Lt. Alex B. Paz ng Alpha Company, nagbigay ang yunit ng seguridad at transportasyon upang matiyak ang ligtas, maayos, at maagap na pamamahagi ng ayuda.

Sa koordinasyon sa GMA Kapuso Foundation – Operation Bayanihan, sa pangunguna ni Project Coordinator Aron Paul Calma, matagumpay na naipamahagi ang mga food pack sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga komunidad na nangangailangan.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga mangingisda mula sa iba’t ibang barangay sa Masinloc, gaya ng Santa Rita, Taltal, at Inhobol, pati na rin sa Barangay Locloc sa bayan ng Palauig.

Ayon sa 69IB, layunin ng inisyatiba na hindi lamang maghatid ng tulong kundi palakasin din ang ugnayan ng militar at komunidad sa pamamagitan ng malasakit at pagtutulungan.
Nanatili naman ang 69th Infantry Battalion sa kanilang mandato na magbigay ng seguridad at makipagtulungan sa iba’t ibang sektor para sa mas ligtas at matatag na pamayanan.
📸 69 Cougar Battalion 7ID facebook page


Leave a comment