Ang Pahayagan

“ANG BAKANTENG LUZON”LP MAPAPAKINGAN NA SA LAHAT NG PANGUNAHING MUSIC STREAMING PLATFORMS

Opisyal nang inilabas ang “Ang Bakanteng Luzon” LP, na ngayon ay available na sa iba’t ibang pangunahing music streaming platforms sa buong mundo.

Ang album ay maaring pakinggan sa Apple Music, YouTube, Deezer, Spotify, Tidal, SoundCloud, at Bandcamp, na nagbibigay ng mas malawak na access sa mga tagapakinig mula sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa ibayong-dagat.

Ang naturang LP ay isang malikhaing obra na sumasalamin sa mga karanasan, obserbasyon, at damdaming hinubog ng panahon at kapaligiran. Sa pamamagitan ng mga awitin nito, inilalahad ang masining na pagtalakay sa mga kwentong panlipunan at personal na repleksyon na nag-uugnay sa kolektibong karanasan ng mga Pilipino.

Lubos ang pasasalamat ng artist sa mga indibidwal at grupong naging mahalagang bahagi ng pagbuo ng album. Kabilang dito sina Smile, ang kanyang pamilya, AK, Ate Gwen at Andres, SAMPL, @ t t i c, at lalo’t higit ang TUS, na nagbigay ng suporta at inspirasyon sa bawat yugto ng produksyon. Pinasalamatan din ang lahat ng tumulong at nakibahagi sa proseso ng paglikha ng LP—mula sa mga himpilan ng radyo hanggang sa mga café na nagsilbing espasyo ng malikhaing pagninilay.

Ang bakanteng Luzon LP ay binubuo ng mga lokal na ang ilan sa mga kasamang rapper/artist na sina: GERIL (Sydney Australia), Wygian (Olongapo), AKT (Olongapo), Space Impakto (Cavite & Muntinlupa), Ron Lopez of Iron Power (Bataan), G.M.F.A (Olongapo), Aural Swanks (Olongapo), Mac (Subic), Lanzeta (Olongapo), & Xeven (Olongapo) Ang larawan na ginamit sa proyekto ay kuha ni Smile, na higit pang nagbigay-buhay at biswal na identidad sa album.

Para sa mga nagnanais mapakinggan ang “Ang Bakanteng Luzon” LP, narito ang ilan sa mga opisyal na link: Apple Music, YouTube, Deezer, Spotify, Tidal, SoundCloud at Bandcamp.

Ang paglabas ng “Ang Bakanteng Luzon” LP ay hindi lamang isang musical release, kundi isang paanyaya sa mga tagapakinig na makibahagi sa mas malalim na diskurso sa sining, karanasan, at realidad ng kasalukuyang panahon.

Ang beat ng naturang album  o yung tugtog na produced/inilikha nila AK at SAMPL. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment