Ang Pahayagan

Operasyon ng pulisya kontra mai-ingay na muffler ng motor at mga “Boga”

Nakumpiska sa operasyong isinagawa ng Castillejos Municipal Police Station ang kabuuang tatlumpu’t dalawa (32) na mga maingay na muffler at labindalawa (12) homemade na improvised na kanyon o “Boga” sa inilatag na checkpoint ng kapulisan sa nasabing munisipalidad alinsabay sa pagpalit ng taon nitong Miyerkules, Disyembre 31, 2025.

Ang operasyon, alinsunod sa itinatadhana ng Municipal Ordinance No. 24-003 at RA 7183, ay naglalayon na pigilan ang labis na pag-iingay, masiguro ang kaligtasan ng pampubliko at mamantine ang kaayusan habang ipinagdiriwang ng mamamayan ang New Year.

Saklaw rito na mahigpit na pagbabawal sa mga improvised na kanyon na peligroso lalo sa mga bata at ang binagong muffler ng mga motorsiklo na nagdudulot naman ng labis na ingay sa lansangan.

Isinagawa ang Oplan Sita simula alas-6:00 ng hapon hanggang passado hatinggabi ng Enero 1 sa ilalim ng pamamahala ni PMaj Michael Udal, hepe  ng Castillejos MPS kasama ang mga opisyales ng barangay.

📸 Castillejos MPS

Leave a comment