ZAMBALES– Sampung (10) Agrarian Reform Program Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Zambales ang tumanggap ng gamit pambukid na Cultivator/Tiller with Complete Implements (BOWA RR-900 BE177FL 6.62KW 8.8HP Gasoline) mula sa Department of Agrarian Reform-Zambales, tatlong araw bago sumapit ang Kapaskuhan nitong Lunes, Disyembre 22, 2025.
Ang mga ARBOs na ito ay ang ZUFARPRO Coop, Zambales Competitive Farmer’s Association, Lawin Unified Farmers Association (LUFA) Inc., Dojoc Farmers Association Inc., Bato Palauig Farmers Association Inc., Sibol ARB Multipurpose Cooperative (SARBMPC), San Rafael Cabangan Crops and Livestock Farmers Association, Inc., San Marcelino Corn Producers Cooperative, at Samahan ng mga Magsasaka ng Poonbato (SAMAPO).

Ang bawat ARBO sa pangunguna ng kanilang mga presidente ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Presidente Bongbong Marcos, DAR Secretary Conrado Estrella III, PARPO II Francis Neil T. Pedralvez at sa buong pamunuan at kawani ng DAR Zambales sa pagbibigay sa kanila ng tulong hindi lamang ng mga kagamitang pambukid na tunay na napakalaking kapakinabangan, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng kanilang mga kooperatiba sa pamamagitan naman ng mga capability trainings at iba pang katulad at makabuluhang pagsasanay.
📸 DAR Zambales


Leave a comment