Ang Pahayagan

FAB Fair, Bukas Na

BATAAN– Pormal nang binuksan sa publiko ang taunang Freeport Area of Bataan (FAB) Fair sa pamamagitan ng isang simpleng programa na dinaluhan ng pamunuan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at ilang kinatawan mula sa FAB community nitong Martes, Nobyembre 25.

Sa mensahe, ipinaabot ni AFAB Administrator at CEO Hussein Pangandaman ang pasasalamat sa buong Freeport para para sa kanilang naging suporta sa buong taon, at ibinahagi ang pag-asa para sa mas maayos at mas mabuting taon na darating.

Inanunsyo din ni Administrator Pangandaman na libre ang entrance sa FAB Fair upang maging mas accessible para sa mga manggagawa at kanilang pamilya ang nasabing aktibidad.

Isinagawa ang ribbon cutting, na susundan ng lighting ceremony na magbibigay-simbolo sa pagsisimula ng selebrasyon sa huling yugto ng taon.

“Inaanyayahan po namin ang buong komunidad na dumalo, makisama, at makiisa sa ating programa at sabay-sabay nating bigyang buhay ang taunang tradisyon na ito,” saad pa ni Pangandaman.

Leave a comment