Ang Pahayagan

38th BSP-RMZC Provincial Scout Jamboree inilunsad bilang paghahanda sa 33rd Asia Pacific Regional Scout Jamboree

ZAMBALES – Inilunsad ng Ramon Magsaysay –Zambales Council (RMZC) ang tatlong araw na 38th Boy Scout of the Philippines Provincial Scout Jamboree bilang dry run sa gaganapin na 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree sa Disyembre sa San Juan, Botolan.

Pinangunahan ni Botolan Mayor Jun Omar Ebdane ang pormal na pagbubukas ng nasabing Provincial Scout Jamboree na dinaluhan ng mga Boy Scouts at Girl Scout mula sa mga munisipalidad ng Subic hanggang Sta. Cruz, Zambales  

Dumalo din sa okasyon si Zambales Board Member Rundy Ebdane, bilang kinatawan ni Gob. Hermogenes Ebdane na nagparating ng kanyang mensahe.

Ani Ebdane, binigyang-diin nito ang tunay na diwa ng pagiging scout. “To be a Scout is to be ready—handa sa isip, sa salita, at sa gawa. Ready to face challenges, to serve others, and to protect what truly matters, our people, our environment, and of course, our future.”

“Ang paglahok ninyo sa jamboree na ito ay higit pa sa camping o laro; it is a journey—a chance to grow, to discover who you are, and to learn how to lead with purpose and heart,” saad pa ni Ebdane.

Dumalo rin sa programa si dating Vice-President Jejomar Binay, ang pinakamatagal na nanilbihan bilang National President ng BSP at Chairman din ng Asia-Pacific Regional Scout Committee. Kasama niya ang kasalukuyang BSP National President na si Atty. Emilio B. Aquino.

📸 Zambales for People

Leave a comment