SUBIC BAY FREEPORT– Sinimulan na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang dry run para sa kanilang electric buses (e-buses) nitong Lunes, Nobyembre 3 na tatagal ng isang lingo hanggang Nobyembre 9, sa rutang Central Business District (CBD) ng Subic Bay Freeport zone.
Layunin ng dry run para sa SBMA e-Bus Project na masuri ang kapasidad ng naturang mga sasakyan nang mayroong pasahero gayundin ang operational aspects nito tulad ng charging stations. Libre ang pagsakay sa mga e-buses mula 6am hanggang 7pm na magbaba at sakay lamang mula sa mga designated bus stop sa CBD area.


Leave a comment