Ang Pahayagan

SUSPEK SA PALAUIG DOUBLE MURDER PATAY SA ENGKWENTRO

ZAMBALES – Nasawi sa engkwentro ang suspek sa Palauig Double Murder Case na si alyas “Diking” matapos makipag- palitan ng putok sa mga pulis sa Iba, Zambales, madaling araw ng Setyembre 27. 

Ayon sa ulat mula sa Zambales Provincial Police Office, target sana ng Candelaria at Iba MPS ang paghahain ng arrest warrant para sa kasong Estafa laban kay alyas “Akezha” o “Queen” nang mauwi sa habulan at banggaan sa Govic Highway. Naaresto si “Queen” ngunit nakatakas ang kanyang kasama na si “Diking,” na kalauna’y natunton sa masukal na bahagi ng lugar. 

Sa follow-up operation, bumunot umano ng baril si “Diking” at pinaputukan ang mga pulis subalit nagloko umano ang armas nito at napilitang gumanti ang mga operatiba .  

Nagawa pa siyang isugod sa ospital ng mga kapulisan  ngunit eto ay dineklarang dead-on-arrival. 

Si “Diking” ay pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang biktima sa Palauig noong Agosto, at dati nang naaresto sa Caloocan kaugnay ng kasong illegal possession of firearms. 

“Prayoridad po namin ang kaligtasan ng bawat isa ngunit hindi po namin hahayaang mailagay sa peligro ang buhay ng ating mga kapulisan,” pahayag ni PCOL Benjamin P. Ariola, Acting Provincial Director. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS) 

📸  ZAMBALES PPO 

Leave a comment