ZAMBALES– Sumadsad sa dalampasigana ang isang pribadong yate makaraan na masiraan umano ito ng makina habang ramdam pa rin sa lalawigang ito ang mga pag-ulan at malalaking alon na dulot ng bagyong Nando umaga ng Martes, Setyembre 23, sa bayan ng San Narciso, Zambales.
Ayon sa ulat ng Coast Guard Station Zambales, matagumpay naman na na-rescue ang apat na tripulante ng MV Mambo King na agad dinala sa San Narciso Rural Health Center upang masuri ang kalagayan.
Napag-alaman na nagmula ang naturang yate sa Ilocos Sur at naglalayag patungong Subic Bay Freeport nang ito ay masiraan ng makina at tuluyang sumadsad sa dalampasigan malapit sa Philippine Merchant Marine Academy complex ng nasabing munisipalidad.
📸 PCG Zambales


Leave a comment