SUBIC BAY FREEPORT– Nilinaw ni Zambales 1st District Representative Jefferson “Jay” Khonghun na ang relo na nakikitang suot niya ay isang Seiko lamang, at hindi mamahaling P2.4-million Rolex na pinag-uusapan sa social media.
Ito ang pagdidiin ng kongresista sa ginanap na media forum sa Subic Bay Freeport nitong Biyernes, Setyembre 19.
“Kung nagtanong lang sila, ipinakita ko ang relo mismo. Seiko lang ang gusto kong suotin,” ani Khonhun habang ipinapakita sa mga mamamahayag ang kanyang relo.
Ang naturang relo aniya na nagkakahalaga lamang ng halos Php9,000.00 na Seiko Daytona black gold “mod,” o modified, na maaaring ma-customize sa pamamagitan ng pagpapalit o pagdaragdag ng mga accessories upang baguhin ang disenyo o function nito.
Target umano ng smear campaign at online trolling ang mambabatas.


Leave a comment