Ang Pahayagan

Tree planting activity para sa 125th CSC anniversary

Mahigit sa 1,600 na mga empleyado ng gobyerno sa Zambales sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lumahok sa isang malawakang tree planting activity bilang bahagi sa selebrasyon ng ika- 125th na anibersaryo ng Philippine Civil Service na ginanap sa Sitio Alao, Barangay. San Juan, Botolan.

Nabatid kay Zambales PENRO Marife Castillo na ang mga kalahok ay nagtanim ng 3,600 seedlings ng native at fruit-bearing species, kabilang ang Batino, Fringon, Akleng Parang, Cashew, at Calamansi, sa isang 20-ektaryang National Greening Program site.

“Ang sama-samang pagsisikap na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng pagpapanatili ng kapaligiran, kundi pati na rin ang diwa ng serbisyo publiko Ang pagkakaisa, pangangasiwa, at pagkilos ay nagtatagpo para sa ating kinabukasan,” saad naman ni DENR Regional Director Ralph Pablo.

📸 DENR Central Luzon

Leave a comment