Ang Pahayagan

Progresibong grupo sa Gitnang Luzon lumagda sa manipesto kontra korupsyon

PAMPANGA–Sama-samang lumagda ang mga kinatawan ng iba’t ibang samahan at indibidual sa isinagawang United Statement Signing na tumutuligsa sa anila’y maanomalyang mga flood control project nitong Biyernes, Setyembre 12, sa St Scholastica’s University, San Fernando, Pampanga.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga nagmula sa sektor ng simbahan kung saan sama-sama nilang naghayag ng kanilang paninindigan laban sa korupsiyon.

Ayon kay Francisco Aviso ng United Church of Christ in the Philippines, hinihikayat aniya ang mga mamamayan na maging mapagmatyag, makialam, at makiisa sa mga inisyatibo laban sa korupsiyon. Sa pamamagitan aniya ng sama-samang pagkilos, maitataguyod ang isang lipunang may hustisya, dignidad, at tunay na serbisyo publiko. 

“Hindi na tayo papayag na ang kinabukasan ng ating mga anak ay nakatali sa sistemang bulok. Ang paninindigan natin ngayon ay simula ng mas malawak na kilusan para sa malinis na pamahalaan,” pagdidiin ni Aviso. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment