ZAMBALES– Itinutuloy na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Php96,449,479.14 Cawag River flood control project na nabinbin ng halos isang taon bunsod sa umano’y problema sa “Right of Way” sa Barangay Cawag, Subic, Zambales.
Nabatid kay Zambales 2nd District Engineer Rey Lerio na ang naturang proyekto ay itinutuloy na ng Repolman Construction Corp. sa kabila na noong Disyembre 24, 2024 pa dapat ito nai-turn-over.
Tiniyak ni Lerio na matatapos ang nasabing flood control project bago matapos ang taon.

Ang nasabing slope protection project na nasa gilid ng Cawag Bridge II, ang tanging tulay na nag-uugnay sa kahabaang ng Castillejos-Cawag highway patungo sa dating Hanjin shipyard na HD Hyundai shipbuilding na sa ngayon. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)


Leave a comment