Ang Pahayagan

Modernong Rice Processing System binuksan sa Castillejos

ZAMBALES– Pormal nang binuksan ang Rice Processing System (RICE MILL)- isang makabagong sistemang na binubuo ng makinarya para sa pagpapatuyo ng palay, pagkiskis at paggiling ng bigas, para sa mga magsasaka ng Castillejos, Zambales.

Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa pagtutulungan nina Zambales 1st District Representative Jefferson Khonghun, Mayor Jeffrey Khonghun at Vice Governor Jaq Khonghun katuwang ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Layon ng proyektong ito na mapagaan ang trabaho, mapataas ang kalidad ng ani, at madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa naturang bayan.

“Ito ay patunay na ang pangarap ng bawat magsasaka na magkaroon ng mas maayos, mas episyente, at mas makataong paraan ng pagsasaka ay unti-unti nang nagkakabunga,” ani Rep. Khonghun sa kanyang social media post.

Pinasalamatan din niya ang tanggapan ng Department of Agriculture at PhilMech upang maisakatuparan ang proyekto na inaasahang makakatulong na mapalakas sa sektor ng agrikultura.

📸 Cong Jay Khonghun

Leave a comment